MANILA, Philippines- Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes na naglaan ang pamahalaan ng P895.658 milyon upang tulungan ang mga biktima ni Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon na nanalasa sa lalawigan ng Batanes.
Inihayag ng NDRRMC na saklaw ng pondo ang food at non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Civil Defense (OCD) at local government units.
Gayundin, kabilang ang kontribusyon mula sa iba’t ibang non-government organizations sa nasabing alokasyon.
Batay sa 8 a.m. report ng NDRRMC, may kabuuang 150 indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto nina Kristine at Leon.
Dagdag nito, 29 indibidwal ang naiulat na nawawala at 115 ang sugatan. RNT/SA