Home ENTERTAINMENT Archie, naghain ng ‘not guilty’ plea sa kaso vs Rita!

Archie, naghain ng ‘not guilty’ plea sa kaso vs Rita!

Manila, Philippines- Nagsumite ng “not guilty” plea si Archie Alemania kaugnay ng acts of lasciviousness case na isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela.

Naganap ito sa itinakdang arraignment at preliminary conference sa Bacoor Reginal Trial

Court nitong April 29.

Gayunpaman, tumanggi nang magbigay ng komento si Archie.

Samantala, ikinalungkot naman ni Rita ang “not guilty” plea ng kanyang kinasuhan.

Aniya: “Alam ko ang totoong nangyari…I know my truth!”

Nevertheless, optimistic ang Kapuso singer-actress na lalabas din ang katotohanan.

Nag-ugat ang nasabing kaso pagkatapos ng pa-thankgiving ni Bea Alonzo sa cast at crew ng

Widows’ War na umere sa GMA.

Kasama sa cast ang inimbitahan ding sina Rita at Archie.

Sa pag-aakalang nagmamagandang-loob, pumayag si Rita na ihatid siya pauwi ni Archie sa kanilang tahanan sa Bacoor.

Habang nasa biyahe umano nang magsimulang “manyansing” ni Archie sa iba’t ibang parte ng katawan ni Rita.

Oktubre nang magdesisyon si Rita na ipursige ang kaso.

For his part, nagsumite si Archie ng counter affidavit.

Pumayag din ang korte sa hiniling na gag order ni Archie.

Mas nakaranas ng career setback si Archie na tinanggal na sa nasabing teleserye samantalang natapos itong gawin ni Rita–na patuloy pa ring napapanood sa GMA via other shows. Ronnie Carrasco III