Manila, Philippines – Naging malaking isyu ang nangyaring pagsasampa ng kasong acts of lasciviousness ni Rita Daniela kay Archie Alemania na pinagpisyestahan noon ng mga Marisol.
Nangyari ang insidente nang dumalo sila noon sa isang Thanksgiving party.
Inakusahan ng Kapuso actress-singer si Archie na hinalikan siya nang walang pahintulot, hinawakan, at sinabihan ng mga hindi magagandang salita habang sila ay nasa kotse.
Ito ay nangyari nang mag-offer ang aktor na ihatid siya sa kanilang bahay na sa una ay tinanggihan niya pero napasang-ayon din sa pag-aakalang sober na si Archie.
Bilang tugon naman sa alegasyon ni Rita, idinenay ni Archie ang charges sa kanya ng aktres.
Nag-file rin siya ng counter-affidavit bilang sagot sa reklamo ng singer-actress.
Kinumpirma naman ng abogado ni Rita na inamin daw ni Archie ang mahahalay na salita at paghawak sa aktres ayon sa kanyang counter-affidavit.
Iginiit pa ng kampo ni Rita na ang mga pahayag ni Alemania ay maituturing na “material admissions” na nagbibigay ng sapat na basehan para sa reklamo.
Idinahilan daw ni Archie na ginawa niya ang mga kilos bilang “wacky” at upang i-comfort si Rita habang sila ay nasa sasakyan.
Bagama’t idinahilan ng aktor na ang kanyang kilos ay “wacky” lamang at ginawa upang aliwin o i-comfort ang aktres, inirason ng abogado na hindi nito nababago ang bigat ng reklamo.
“He also said in his counter affidavit that when Rita got out of his vehicle, she was very angry. Why would Rita be angry when he did not do something wrong when they were at the car? If he just touched to comfort her?” tanong ni Abraham-Garduque, na tinawag ang mga pahayag ng aktor na “material admissions” na maaaring magdulot ng tiyak na conviction.
Sa ngayon, hinihintay naman ang resbak ni Rita sa claim ni Archie upang pabulaanan ang sinabi ng Kapuso actor.
Si Rita ay nakatakdang magsumite ng kanyang tugon sa counter-affidavit ni Alemania sa Disyembre 17. Archie Liao