SAN NARCISO, Quezon- Nadakip ng mga sundalo ang dalawang hinihinalang sibilyang taga-suporta ng New People’s Army sa isang engkwentro sa lugar na ito nitong Huwebes.
Kinilala ang dalawang indidbidwal na sina Ronilo at Genero.
Nagpapatrolya ang 85th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Guinhalinan nang makaengkwentro nito ang hindi natukoy na bilang ng mga rebelde sa ilalim ng Platoon Reymark ng Sub-regional Military Area 4-B.
Tumakas ang communist guerillas kasunod ng maiksing bakbakan at nadakip ang dalawa matapos silang matagpuan sa lugar.
Narekober sa kanila ang improvised explosive device, gadgets, personal na kagamitan, at subersibong mga dokumento.
Walang naiulat na nasawi sa panig ng militar at ng NPA. RNT/SA