Home NATIONWIDE Proklamasyon ng first nominee ng P3PWD party-list ipinag-utos ng Comelec

Proklamasyon ng first nominee ng P3PWD party-list ipinag-utos ng Comelec

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng unang nominado ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente, at Persons With Disabilities (P3PWD) Party-list.

Sa Minute Resolution 24-0986 na inilabas nitong Huwebes, inatasan ng Comelec en banc ang pag-isyu ng Certificate of Proclamation kay Maria Camille Ilagan bilang kinatawan ng Party-list sa 19th Congress.

Samantala, ang bagong set ng nominado ng party-list ay sina Lily Grace A. Tiangco (2nd), Marianne Heidi C. Fullon (3rd), Dylan Romulo C. Santos (4th), at Bernadine T. Montelibano (5th).

Nauna nang nagsumite ang P3PWD ng bagong set ng limang nominado bilang tugon sa desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa pagpapalit kay retired Comelec commissioner Ma. Rowena Guanzon bilang unang nominado ng party-list.

Idineklara ng SC na null and void ang nominasyon ni Rosalie Garcia, Cherie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio, at Rodolfo Villar.Ang

Ang P3PWD ay nakakuha ng 391,174 boto sa May 2022 polls, kung saan napunan ang isang pwesto na kumakatawan sa kanilang grupo sa Kamara. Jocelyn Tabangcura-Domenden