MANILA, Philippines- Nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang administrative order (AO) na nagpapahintulot sa paggawad ng Service Recognition Incentive (SRI) sa kwalipikadong government personnel para sa fiscal year 2024, kabilang ang mga guro at military and uniformed personnel, na makatatanggap ng tig-P20,000.
Sa ilalim ng AO 27 na nilagdaan ni Marcos noong Huwebes, ibibigay ang one-time SRI sa civilian personnel sa national government agencies (NGAs); military and police personnel; fire and jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government; at mga tauhan ng Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.
Magsisimulang makatanggap ang kwalipikadong government employees ng SRI sa Dec. 15.
Pinuri ni Budget Secretary Amenah Pangandaman si Marcos sa pag-apruba sa pagpapalabas ng SRI sa lahat ng government employees para sa fiscal year 2024.
Makatatanggap din ng SRI ang civilian personnel sa NGAs, kabilang ang mga nasa state universities and colleges (SUCs) at government-owned and -controlled corporations, na may regular, contractual o casual positions.
Bibigyan ng insentibo ang mga nakakumpleto ng apat na buwang satisfactory government service hanggang noong Nov. 30, 2024, at mga patuloy na nagtatrabaho para sa gobyerno.
Bibigyan naman ang mga nagbigay ng satisfactory service sa loob ng wala pang apat na buwan ng pro-rated SRI.
Gayundin, maaaring bigyan ang mga empleyado ng Senador, Kamara, hudikatura, Office of the Ombudsman, at constitutional offices ng one-time SRI ng kanilang kaukulang office heads sa uniform rate na hindi lalampas ng P20,000, kukunin mula sa available na Personnel Services (PS) allotment ng kani-kanilang mga ahensya.
Maaari ring bigyan ng SRI ang mga empleyado ng local government units (LGUs), kabilang ang mga nasa barangay, depende sa financial capability ng mga LGU.
Batay sa AO 27, pwedeng gawaran ng local water districts ng insentibo ang kanilang mga empleyado sa uniform rate na tuutkuyin ng kanilang boards of directors. RNT/SA