Manila, Philippines – Nagsalita ang actor/producer na si Tony Boy dela Rea sa kanyang birthday bash na ginanap sa Chantara Room, Dusit Hotel, Makati City, tungkol sa kanyang karamdaman.
Aminado si Tony Boy na sa loob ng isang taon ay hindi na mabilang sa daliri ang paglalabas-pasok niya sa hospital.
Kaya naman kinuha na rin niya ang pagkakataon na ‘yon para magpasalamat sa mga doktor at nurses ng Saint Lukes Hospital na ayon sa kanya ay tumulong sa kanya na ma-save ang kanyang buhay.
Pinasalamatan din ni Tony Boy ang kanyang elder sister at co producer na si Nette dela Rea sa support at ganu’n din ang mga dasal ng kanyang mga kaibigan.
Sa kabila ng pagiging emosyunal ni Tony Boy ay naging masaya naman ang kanyang 69th birthday celeb na dinaluhan ng mga celebrity guests tulad ng philanthropist/president ng World Class Excellence Japan Awards na si Emma Cordero, veteran actresses Jean Saburit at Azenith Briones, former San Juan City Vice Mayor Boy Celles, The Rainmakers, Lance Raymundo, Ian Jacinto, Angie Bonnevie and many more.
Ang isa sa mga wishes ni Tony Boy ay maipalabas na ang kanyang pelikula na Paghilom.