Manila, Philippines – Nakakaintriga as in puzzling ang post ni Rita Avila.
It goes: “Sino dito ang friend ni Alex Gonzaga-Morada?
“Pakisabihan naman na too much na ang i-share pa niya ang nangyayari sa bedroom.
“‘Di na maganda o nakakatuwa.”
Siyempre, out of curiousity nga naman ay itse-check mo sa Instagram at X accounts ni Alex kung ano ang partikular na post na tinutukoy ng dyowa ni direk FM Reyes.
Alin ba doon ang overshared bedroom post?
Eto ang kinalabasan sa pananaliksik–base sa mga aliw na posts ng kasalukuyang nagbubuntis na TV host-vlogger.
Caption ni Alex sa reels: “Mga young stunna namin nakabuntis sa amin!!! Ang popogi nila teh!”
Sinabayan nila ‘yon ng sayaw ni Toni Gonzaga with their respective hubbies–na marami ang naaliw.
Lalo pa’t super dance sila to the tune of Skusta Clee’s Since Day One.
‘Yun ba ang tinutukoy na “malaswang post” ni Rita?
Knowing Rita, kahit nagpa-sexy siya noon ay mataas ang pagpapahalaga niya sa Christian values.