Home METRO MOA tungo sa de-kalidad na atletang Pinoy nilagdaan

MOA tungo sa de-kalidad na atletang Pinoy nilagdaan

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang layunin nitong magkaroon ng mga de-kalidad na atletang Pilipino sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kay volleyball phenom Alyssa Valdez.

Sa ginanap na memorandum of agreement (MOA) signing sa isang hotel sa Alabang, personal na nilagdaan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, kasama sina 1Munti Atty. Jojay Alcaraz, AV 360 heads Jem Lim, Carla Dado at ang sikat na PVL volleyball player Alyssa Valdez para mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Muntinlupen̈o na mahasa ang kasanayan sa mundo ng volleyball. Cesar Morales