Home ENTERTAINMENT Albert, magreretiro na sa 2025!

Albert, magreretiro na sa 2025!

Manila, Philippines – Buo na ang pasya ni Albert Martinez na mag-semi-retirement na sa 2025.

Ito ay ayon sa kolum ni Dolly Ann Carvajal sa isang broadsheet of national circulation.

Ayon sa Kapamilya actor, mas pagtutuunan daw niya ang kanyang pribadong buhay.

Showbiz work will definitely take a back seat, maliban siguro kung magandang proyekto ang iaalok sa kanya na mahirap hindian.

Feeling naman ni Dolly Ann, ang pagpokus ni Albert sa kanyang pribadong buhay does not include his lovelife.

Bilang tumayo as isa sa mga bridesmaids noong ikasal sina Liezl Martinez at Albert, sigurado si Dolly Ann na hindi pa natatagpuan ng aktor ang kapalit ng nasirang asawa sa kanyang puso.

Ito’y sa kabila ng pagpanaw ni Liezl nine years ago sanhi ng breast cancer.

Itinanggi din ni Albert ang tsismis sa kanila ni Faith da Silva.

“That’s fake news!” Dolly Ann wrote quoting the 63-year-old actor.

Needless to say, isa sa mga inaalagaan at prized possessions ng ABS-CBN si Albert who plays the bad guy most of the time sa mga teleserye.

From matinee idol, Albert rose to become one of the most sought after actors in local showbiz. Ronnie Carrasco III