Home METRO HVI timbog sa P51M tobats

HVI timbog sa P51M tobats

MANILA, Philippines- Naaresto ng anti-drug operatives ag isang high-value individual (HVI) at nasabat ang halos P51 milyong halaga ng shabu sa Cebu City nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nadakip si alyas “Jotex,” 54, ng Police Regional Office 7 (Central Visayas) Drug Enforcement Unit, PDEA 7 Regional Special Enforcement Team, Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operations Unit, at Cebu City Police Office Station 11 sa isang buy-bust sa kahabaan ng Natalio B. Bacalso Avenue sa Barangay Mambaling dakong alas-5 ng umaga.

Nakuha mula sa suspek ang walong pakete ng shabu na may timbang na halos 7.5 kg, buy-bust money at iba pang non-drug evidence.

Isinumite na ang ebidensya sa PDEA-7 laboratory para sa chemical analysis at wastong disposisyon.

Nakaditine ang suspek sa local PDEA facility and at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/SA