Manila, Philippines – Inamin ni Arci Munoz na taken na siya, nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk.
Gayunpaman, hindi naman niya idinisclose kung sino ang kanyang kasalukuyang inspirasyon.
Tungkol naman sa pagtalikod sa showbiz sakaling maisipan na niyang mag-settle down, ito naman ang kanyang naging sagot.
“I think naman po if it’s the right person and the right time and everything will fall into place. I mean I can still do what I want with my career and also continuously do what I love, which is acting and traveling and all those things with my partner,” aniya.
Dagdag pa niya, naniniwala rin daw siyang maiintindihan ng kanyang future partner ang kanyang kalagayan.
“’Yung buhay ko nga, ang dami ko ng persona, hindi ko na alam kung sino ang kakausapin ko sa gabi.
“May rakista, may artista, may BTS, may cosplayer. Hindi ko na nga alam, pati ako, nalilito na,” pagbibiro niya.
Sa naturang tsikahan, ibinida rin niya ang kasiyahan niya dahil sa pagkapanalo ng award bilang best actress sa isang pelikulang ginawa niya abroad.
Hirit pa niya, na-inspire raw siya na gumawa pa ng maraming proyekto.
Katunayan, willing daw siyang muling makatrabaho ang GMA Network kung saan siya nagsimula during her Starstruck days.
Sa naturang tsikahan, inamin din niyang madalas daw siyang naglalasing hindi dahil nakaugalian niya kundi para maging in character dahil ganoon daw ang klase ng role na natotoka sa kanya.
Inilaglag din niya na maging ang kanyang mga naging direktor ay maituturing na social drinkers.
Sa tanong naman kung ano ang reaksyon niya dahil naba-bash umano siya dahil siya raw ay ‘favored” BTS fan, ito naman ang kanyang naging tugon.
“Ewan ko po. During that time, I was just really—they’re my source of happiness. Basta as long as I’m happy,” ani Arci.
“It’s strange that people, you know, parang of course they’re gonna talk na siyempre kung ano’ng gusto nilang sabihin. They already have a perception of you in their heads, so kung hindi mo ma-achieve ‘yun sa naiisip nila, may issue ka,” dugtong niya.
Sey pa niya, ayaw din daw niyang paapekto sa negative comments ng kanyang detractors.
“I know myself more than anyone else,” pakli niya. Archie Liao