Home NATIONWIDE Hontiveros nagbabala vs muling ‘deprioritization’ ng pondo sa 2025 budget

Hontiveros nagbabala vs muling ‘deprioritization’ ng pondo sa 2025 budget

MANILA, Philippines- Muling ibinabala ni Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang isyu ng “deprioritization” ng bilyong halaga ng pondo tulad ng naganap umano sa 2024 budget proposal noong nakaraang taon.

Sa deliberasyon ng pagdinig ng Senate committee on finance sa pamumuno ni Senador Grace Poe, sinabi ni Hontiveros ns malaking bahagi ng 2024 national budget na nakatakda sa National Expenditure Program (NEP) ang “naglaho” sa programmed appropriations.

“Isinantabi ito at inilipat sa low priority na unprogrammed appropriations,” aniya.

Inihalimbawa niya ang P70 bilyong alokasyon sa flood control projects na inilipat sa unprogrammed budget.

“Lumobo po ang low priority na unprogrammed funds at umabot sa P731 billion — mula sa panukalang P282 billion ng Department of Budget Management — at isinantabi nga dito ang mga mahahalagang mungkahing budget ng Presidente,” aniya.

Binanggit din ni Hontiveros ang “paglusob” ng Department of Finance sa pondo ng government corporations, partikular ang Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Deposit Insurance Corporation upang makakuha ng mas maraming pondo sa “priority programs” na ilalagay sa unprogrammed funds.

“I hope we do not make this mistake again of deprioritizing hundreds of billions of funds proposed by the President and already approved by both the House and the Senate,” aniya.

Inirekomenda ni Hontiveros ang mga sumusunod upang maiwasan ang deprioritization ng pondo:

  • “The bicameral conference committee should return to the original practice of a full face-to-face meeting and deliberation of all its members

  • The full bicameral conference committee report, including how it deviates from the Senate version of the General Appropriations Bill, should be made available to all senators before it is reported to the plenary.”

Mas mataas ng P500 bilyon ang 2025 national budget na nagkakahalagang P6.352 trillion kumpara sa P5.7 trilyon na 2024 national budget. Ernie Reyes