Manila, Philippines- Isa sa mga pinakamagandang movies na nakapasok sa MMFF 2024 ay ang Topak na pinabibidahan ni Arjo Atayde at Julia Montes sa direksyon ni Richard Somes.
Bago mag-umpisa ang grand presscon ay ipinanood muna ang trailer ng Topak.
Buwis-buhay ang mga maaaksyong eksena nina Arjo at Julia.
Base sa trailer na napanood namin, talaga namang napalaban sa matitinding drama at action scenes sina Arjo at Julia na siguradong magbibigay sa kanila ng malakas na laban sa pagiging best actor at best actress sa taunang filmfest.
At hindi nga nagkamali ang producers ng Topak na si Sylvia Sanchez na maganda at magaling ang lahat ng kanilang artista.
Iikot ang kuwento ng “Topak” sa buhay ng dating special forces agent (Arjo) na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) at mai-involve sa karakter ni Julia na hinahanting ng corrupt police death squad na nasa likod din ng isang drug cartel.
Natanung si Congressman Arjo kung ano ang mga naging karanasan at paghahanda nya sa pelikulang Topak?
“I don’t wanna spoil pero nagkasugat-sugat. May mga hiwa-hiwa. May mga pasa. Thank God, hindi nabalian ng buto.
“We have a very important message to send sa audience. Very interesting ‘yung story kaya ang hirap mag-no kay direk Richard.
“It’s a very well thought concept by direk Richard. I’m just lucky to be on board, to be doing a project with Direk Richard,” saad pa ng aktor at public servant.
At bilang paghahanda sa kanyang super challenging na karakter, “I watched videos sa YouTube about people suffering from PTSD. I studied my role. Nu’ng binigay sa akin ang role, I told direk na mag-send ng videos sa akin and I watched them bago matulog.
“‘Yun ang assignment ko. At least once a day, either day or night, make sure to watch these videos,” sabi pa ng kongresista.
“This is my playground. I’m enjoying what I’m doing. Ang dami ko nang natutunan throughout the years. Apply-apply lang.
“Ang lagi ko lang namang nire-request sa manager ko ay huwag ma-ulit yung role. Kung mauulit man, sana ibang-iba ang plot, lines, at character development. Hanggang maaari ayaw ko ng nauulit na role. Anything basta huwag maulit,” dagdag pa niya.
Tungkol naman sa pamagat ng pelikula, ibinahagi ni Arjo ang kanyang kahulugan: “Topak, para sa akin, yung sinasabi na init ng ulo, o pasensya na, yung sira-ulo. Pero lahat ba ng may topak ay sira-ulo talaga? Baka sila lang ay misunderstood. Baka walang sapat na suporta.”
Ang layunin ng pelikula ay magbigay inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga filmmakers upang buhayin ang action genre at gawing mas makabuluhan ito sa kasalukuyang konteksto, mga pagsubok, at realidad ng lipunan – upang makagawa ng mga action films na sumasalamin sa lipunan sa ngayon, na may pag-asa sa gitna ng mga patuloy na pakikibaka at labanan. Mercy Lejarde