Home ENTERTAINMENT Rommel, panis daw kay Daniel!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rommel, panis daw kay Daniel!December 8, 2024 07:55 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Who’s the better action star–the father or the son?Alam ng lahat na nalilinya sa action genre ang mga miyembro ng Padilla family.For a while, in fairness ay sumabak din sa action si Rustom until he donned a different image.Pero ang pinaka-peg kumbaga sa larangang ‘yon ay si Robin.Kung hindi nga lang siya “naagaw” ng pulitika, Robin would still have been active as an action star.Tunay ngang it runs in the family.From rom-com, Robin’s nephew Daniel veers away from it as he takes a shot at action.Lalayo pa ba si Daniel, eh, mismong ang ama niyang si Rommel ay nakalikha rin ng pangalan sa aksyon?Ano kaya ang take ni Daniel dito?Who does he think is a better action star?“Panis ang tatay ko sa akin!” walang kagatul-gatol na deklara ni Daniel pag napanood daw ni Rommel ang kanyang mga eksena sa Incognito.Pero sabay kambyo: “Joke lang!”What Daniel is more excited about ay kung paano niya naitawid ang kanyang mga maaaksyong eksena.He can’t wait to watch it daw if only for the hirap na pinagdaanan niya which– in fairness– paid off.Palagay ng aktor ay mawiwili siyang gumawa ng mga ganito pang proyekto.“Fulfilling!” say ng kabilang sa new breed of action stars. Ronnie Carrasco III