Home NATIONWIDE Mindanao uulanin sa ITCZ

Mindanao uulanin sa ITCZ

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa ITCZ.

Samantala, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang aasahan sa Mainland Cagayan, Isabela at Apayao dahil sa shear line.

Habang ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. RNT/JGC