Home ENTERTAINMENT Arjo, nagpaliwanag sa pagtakbo raw ng ina sa kongreso!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Arjo, nagpaliwanag sa pagtakbo raw ng ina sa kongreso!September 17, 2024 15:18 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Maugong ang usap-usapan na mamamahinga raw muna ang onetime Quezon City Representative na si Arjo Atayde sa local politics.Sa May 2025 ang nakatakdang midterm elections para sa mga incumbents sa various local posts.Balita kasing ise-set aside ni Arjo ang pagtakbong muli or reelection bid to give way to his mom Sylvia Sanchez.Ang beteranang aktres daw ang tatakbo sa Kongreso.Ang siste, napag-isipan daw ng aktor na tutukan ang kanyang showbiz career.Dahil mas abala nga siya sa pulitika, Arjo felt it’s high time he focused his energy on showbiz na napabayaan daw niya.Pero mariin itong itinanggi ng aktor.Aniya: “It’s not true that my mom is running for Congress!”Sa usaping napapabayaan na raw niya ang kanyang simulain bilang aktor, mabilis na idinepensa ni Arjo na “it’s all a matter of time management.”Kaya naman daw niyang pagsabayin ang pag-aartista at paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.Besides, kung kilala ng marami ang karakas ni Sylvia ay aminado siyang politics is not her cup of tea.Lalo ngayong mas tutok ang aktres sa pag-acquire ng mga foreign films for local distribution via her Nathan Studio.Puwera pa rito ang pagpoprodyus mismo ng kanyang kumpanya ng mga serye. Ronnie Carrasco III