via Northern Samar Provincial Planning and Development Office
NOTHERN SAMAR, Philippines – Nagsimula ang isang archaeological survey at test excavation sa ilang bayan sa Northern Samar, ayon sa opisyal na pahayag noong Miyerkules.
Layunin ng proyekto ng National Museum of the Philippines na tuklasin ang mga makasaysayang artifacts at mas maunawaan ang papel ng lalawigan sa kasaysayan ng bansa.
Pinangunahan ng museum curator na si Mary Jane Louise Bolunia ang team na dumating sa probinsya noong Marso 12 at magpapatuloy sa fieldwork hanggang Marso 20. Kasama rin sina Gerard John Palaya, Ivan Cultura, at Melchor Lagamayo Jr.
Sinabi ng pamahalaang panlalawigan, “The initiative aims to identify archaeological artifacts, tools, and remnants of early structures that could provide insight into the cultural and historical identity of the province.”
Binisita ng grupo ang mga potensyal na site sa Lavezares, Palapag, Biri, at Laoang. Sa Lavezares, tinitingnan nila ang parish grounds, mga ruins, at Lavezares Central Elementary School, kung saan may natagpuang pre-Hispanic artifacts noong 2014. Pinag-aaralan din ang Tabok Hill at Barangay Maravilla, kilala sa tradisyunal na paggawa ng bangka.
Ani Bolunia, “This research will help us better understand the culture and identity of Northern Samar,” at binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga natuklasan para sa susunod na henerasyon.
Inaasahan na makapagbibigay ang survey ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng rehiyon at posibleng makadiskubre ng bagong archaeological sites sa buong probinsya. RNT/MND