Home ENTERTAINMENT Arnel Pineda, may vocal crisis!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Arnel Pineda, may vocal crisis!April 3, 2025 12:47 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Kasado na ang world tour ng bandang Journey para sa 2025 hanggang 2026.On vacation lang sa bansa ang lead vocalist nitong si Arnel Pineda.Pero nababahala ang kanyang mga ka-banda kung matutuloy pa ba ang nasabing world tour.Naiulat kasi sa Showbiz Now Na na may pinagdadaanang vocal crisis si Arnel.Kung matatandaan, tinanghal na national treasure si Arnel noong nasa puwesto pa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.Kilala si Arnel sa kanyang mga soaring o pagkataas-taas na notes na ‘ika nga’y sisiw lang sa kanya.Napag-alamang pinayuhan si Arnel ng doktor na sumailalim sa operasyon.Pero ang tanong–ganoon pa rin kaya ang kalabasan ng kanyang boses sa post-op o pagkatapos ng surgery?Hindi raw kaya magkaroon ng pagbabago sa vocal cords ni Arnel?Matatandaang sa isang video na kuha sa Brazil ay hiyang-hiya si Arnel dahil hindi niya naitawid ang inawit niyang Don’t Stop Believin.Kinuha rin niya ang mga opinyon ng kanyang mga kabanda kung magpapatuloy pa siya sa pagkanta dahil sa nangyari.Ani Cristy Fermin na main host ng SNN, posibleng nagse-set in na raw ang vocal crisis ni Arnel ng panahong ‘yon.Maaaring nakadagdag din daw ang pinagdaraanang depresyon at stress nito dahil sa umano’y napakapersonal na problema involving his partner.Dasal ng mga kababayan natin na malampasan ni Arnel ang kanyang vocal crisis.Arnel replaced Steve Perry as the lead vocalist of the Journey who left the group due to health concerns. Ronnie Carrasco III