MANILA, Philippines- Nagbabalik ang ultimate back-to-back live music experience sa Taguig ngayong 2025!
“Tara! Celebrate with us at makisaya.”
Yan ang paanyaya ng Taguig City LGU sa paggunita nila sa Taguig 438th founding anniversary.
Inihahandog ng Taguig City LGU ang 2-day Taguig Music Festival nang libre kasama ang pinakamalalaki at pumapaimbulog na OPM artists na magpaparamdam ng saya at kilig!
Nakalinya ang mga sumusunod na live performances:
Day 1 Mayonnaise, Dionela, Armi Millare, Any Name’s Okay, Rob Deniel, Natural High, Whirlpool Street, at Pau Gesi
Sa Day 2 magiging kapana-panabik ang performance nina Rico Blanco, Lola Amour, Ebe Dancel, Nobita, This Band, Masaflora, Six or Seven Band, Axcel Ragsta at Maharlika Hood.
Magsisimula ng April 4 sa Arca South Open Grounds ang Taguig Music Festival habang sa April 5 ay sa TLC Park kung saan magbubukas ang gates ng alas-3 ng hapon.
“Mark your calendars, invite your friends and loved ones, at maghanda na sa dalawang gabing punong-puno ng musika!” ang imbitasyon ng Taguig City LGU sa madla. Dave Baluyot