Home ENTERTAINMENT Arnell Ignacio, ‘di nahirapan sa Jackstone 5!

Arnell Ignacio, ‘di nahirapan sa Jackstone 5!

344
0

Manila, Philippines – Ang pelikulang “Jackstone 5” ay nakasentro sa isang grupo ng mga queer na lalaki na nasiyahan sa paglalaro ng jackstones at iniidolo ang Jackson 5, partikular na si Michael Jackson, noong kanilang kabataan.

Tinanong ni yours truly ang mabait na aktor na si Arnell Ignacio kung ano ang masasabi niya sa pelikulang Jackstone 5.

Saad ni Arnell, “Comedy, sobrang nakakatawa ang pelikulang Jackstone 5, at kahit drama na ang scene na kinukunan ay talagang natatawa ka pa din.”

Kwentong biro pa ni Arnell, “Hirap na hirap akong gumanap ng bakla rito. ‘Yun naman kasi ang tunay kong pagkatao. Baka mas mahirapan pa ako kung sabihin mo na nagtatago.

“Kaso hindi ko na man maitatago ‘yun dahil nag-asawa naman ako. Natutuwa ako sa movie na ito kasi hindi ko na kailangan pang i-arte ito dahil ito naman ang personalidad ko.”

Sa panayam sa preskon ng Jackstone 5 ay naibahagi din ng mahusay at multi-awarded

na director at aktor na si Direk Joel Lamangan na sa tatlong dekada niya sa pagdi-direk ay ngayon lang siya gaganap na artista.

At sinabi din ni Direk Joel na napapayag siyang gumanap bilang artista sa pelikulang Jackstone 5 dahil sa mahusay na line producer na si Dennis Evangelista.

Kwento ni Derek Joel,  “Sa tatlong dekada ko sa pagdi-direk, ngayon lang ako gaganap na artista. Naka-rely ako sa aking mga tao sa kabuuan ng pelikula ito.

“Gaganap akong bakla although gumaganap na akong bakla sa TV araw araw bilang Rhoda sa BQ. Pero hindi ito si Rhoda.

“Ang mahirap sa role ko ay ‘yung nabuko na ako at malayang malaya na ako maging bakla. Mas higit pa ‘yun kay Rhoda. ‘Yun ang challenge sa akin.”

In fairness, sa preskon pa lang ay nakakatawa na pag nagkukwento ang mga bida tungkol sa mga nangyari sa shooting ng pelikulang Jackstone 5, na sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell, Jim Pebanco, Abed Green, John Mark Marcia at Direk Joel, na siya ring direktor ng pelikula.

‘Di ba naman bff Dennis C. Evangelista?

Ang Jackstone 5 ay showing this coming December 3, 2025 in theaters nationwide. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here