Home ENTERTAINMENT 61st bday ni Ai Ai, 80s ang motif; Bayani, may mensahe!

61st bday ni Ai Ai, 80s ang motif; Bayani, may mensahe!

311
0

Manila, Philippines – Madonna ang peg ni Ai Ai de las Alas sa kanyang ika-61 kaarawan.

November 11 talaga ang birthday ng Comedy Queen but she opted to celebrate it nitong November 16, Linggo.

Idinaos niya ito sa clubhouse ng North Susana Subdivision kung saan siya nakatira.

“Ai8Os” ang tema ng okasyon na dinaluhan ng ilan sa mga kaibigan niyang artista, tropa sa FEU Masscom at pamilya.

Umuwi pa buhat sa Amerika ang pangalawang anak ni Ai Ai na si Nicolo.

llan sa mga umattend ay sina Bayani Agbayani, Boobay, Jeric Gonzales, among others.

Nagsimula ang party sa banal na misa saka humataw sa sayawan ang mga bisita niya sa saliw ng musika circa 80s.

Very touching ang birthday message ni Bayani kay Ai Ai: “I-enjoy mo ang buhay mo. Huwag ka nang malungkot lalo na sa edad natin!”

Matatandaang kabaligtaran ito ng eksena noong nag-60 years old si Ai Ai last year.

Nataon kasing hiniwalayan siya ng asawang si Gerald Sibayan–pero a year later, mukhang naka-move on na ang komedyana.

Ang pagtitipong ‘yon ay kasabay ng unang araw ng three-day peace rally ng Iglesia ni Cristo laban sa korapsyon sa bansa sa ilalim ng termino ni PBBM. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here