Home ENTERTAINMENT Screenshot mula sa dummy account, inusisa ni Boy Abunda!

Screenshot mula sa dummy account, inusisa ni Boy Abunda!

290
0
Screenshot

Manila, Philippines – Sa panahon ngayon at dahil sa bilis ng technology ay usap-usapan sa programang CIA with BA (Cayetano in Action with Boy Abunda) kung pwede nga bang nagjng ebidensya sa korte ang screenshot mula sa dummy account.

Maging ang isa sa mga hosts na si Boy Abunda ay naging intresado sa istorya ng kanilang guest.

Ang isang screenshot kasi ay maaaring sirain ang reputasyon, at ang isang tanong na patuloy na pinag-uusapan ay kung puwede nga bang maging ebidensya ang screenshot mula sa isang fake o dummy account?

Ito ang tinalakay sa segment na “Yes or No”.

Ibinahagi ni Manilyn na may nag-akusa sa kanya hindi lamang ng pagpapakulam kundi pati na rin ng pananakit sa aso ng nagrereklamo.

Ayon sa kanya, ang tanging ebidensyang ipinakita laban sa kanya ay isang screenshot mula sa isang dummy account.

“Ngayon, ang question ko po, pwede po ba ‘yon na maging ebidensya laban sa akin?” tanong niya.

Sinusugan din ito ni Kuya Boy at humingi ng paglilinaw mula kay Atty. Marian Cayetano.

Direkta namang sinagot ni Atty. ang tanong. “Yes,” sabi niya.

“Yung mga screenshot ng mga text or online messages, pwede kasi siyang maging ebidensya according sa ating rules of electronic evidence na nakasulat sa ating rules of court, admissible siya…”

Ngunit binigyang-diin niya kaagad na ang pagiging admissible ay simula pa lamang. Para maging valid, kallangan mapatunayan ang authenticity ng screenshot at malinaw na maipakita kung saan ito nanggaling.

Dagdag pa ni Atty. Cayetano, ang ebidensya ay hindi dapat edited, fabricated, o minanipula. Kung walang patunay ng pagiging tunay, maliit lamang ang bigat ng screenshot bilang ebidensya.

Sa kaso ni Manilyn, nangangahulugan ito na kailangan munang ma-verify ang screenshot bago ito magamit laban sa kanya, lalo pa’t seryoso ang mga akusasyon.

Ipinakita ng segment kung gaano kahalaga ang pag-intindi sa digital evidence ayon sa batas ng Pilipinas.

Maaaring tanggapin ang mga screenshot sa korte, ngunit nakadepende ang kredibilidad nito sa kung paano maipapakita ang pinagmulan at integridad ng ebidensya.

Pinangungunahan nina Senators Alan Peter at Pia Cayetano, at Kuya Boy ang ‘CIA with BA’ at ito ay mapapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here