MANILA, Philippines- Nagpalabas na ng arrest order ang Bacoor City Municipal Trial Court in Cities Branch 2 laban sa aktor na si Archie Alemania kaugnay sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng aktres na si Rita Daniela.
Sa kautusan ng korte, maaring maglagak ng P36,000 na piyansa si Alemania para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sinabi ng korte na may probable cause para isailalim sa paglilitis si Alemania batay sa isinagawang pagsusuri ng korte sa isinumiteng information, resolution, investigation data form, complaint affidavit ng complainant at iba pang mahalagang dokumento.
Batay sa reklamo ni Daniela, hinalikan umano siya ni Alemania at hinawakan ang pribadong bahagi ng kanyang katawan matapos dumalo sa Thanksgiving party nitong September.
Kung ano-ano umanong malalaswang salita laban kay Daniela ang binitawan ni Alemania. Teresa Tavares