Home METRO Arson suspect tumalon sa dagat; nasagip ng PCG

Arson suspect tumalon sa dagat; nasagip ng PCG

MANILA, Philippines- Tumalon ang isang arson suspect sa Romblon mula sa isang passenger ship nitong Martes matapos tangkaing tumakas.

Batay sa social media post ng Philippine Coast Guard, sinabi nito na namataan ni PCG Seaman First Class (SN1) John Laurence Lotec ang 44-anyos na si “Mr. Meynard” matapos tumalon mula sa isang passenger vessel sa Ambulong Port sa Sibuyan Island, Romblon.

Sa imbestigasyon, nadiskubreng nahaharap si Meynard sa kasong destructive arson at nakatakdang ilipat sa Romblon, Romblon. Natakasan niya ang kanyang mga escort.

Nang makitang kinakailangan ni Meynard ng tulong sa katubigan ng Ambulong, agad siyang sinagip ni Lotec at isang lokal na pulis na tumalon kasunod niya. Kasalukuyang hawak ng Magdiwang Police ang suspek. RNT/SA

Previous articleTrabaho sa iba’t ibang bansa magbubukas para sa mga Pinoy ngayong 2024
Next articleP108M premyo sa lotto pinaghatian ng tatlo