Home HOME BANNER STORY Trabaho sa iba’t ibang bansa magbubukas para sa mga Pinoy ngayong 2024

Trabaho sa iba’t ibang bansa magbubukas para sa mga Pinoy ngayong 2024

MANILA, Philippines- Magbubukas ng iba’t ibang trabaho para sa mga Filipino ngayong taon sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang ilang mga bansa tulad ng Hungary, Austria, Croatia, Czech Republic, Germany, at Canada ay naghahanap ng mga empleyado na magpupuno sa bakanteng healthcare workers, construction workers, drivers, at tourism workers bukod sa iba pa.

“Unang-unang po ay mag-ingat po tayo. Ang impormasyon po ay pwede po makuha sa DMW website. Makikita niyo po ang totoong number ng agencies, sino ang agencies na may job order,” sabi ni DMW Undersecretary Yvonne Caunan.

Samantala, ang mga oportunidad sa trabaho sa Pilipinas ay kasama ang mga nasa sektor ng information technology, konstruksyon, hotel at turismo, edukasyon, creatives, at health and wellness.

Ang iba pang mga industriya na may mga oportunidad sa pagtatrabaho ay kasama ang pagmamanupaktura, pati na rin ang power at energy sectors.

“Meron pa rin talagang need to address the issue ng continuing job skills mismatch and also would like to consider geographical mismatch. We’re trying to… tinitinginan natin paano ba namin mapalakas yan,” anii Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma.

Pinayuhan ni Laguesma ang publiko na magpatuloy sa pag-upskill o pag-enrol sa mga kurso sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makabuo ng mga kasanayan.

Samantala, hinimok ng GO Negosyo founder Joey Concepcion ang mga Pilipino na magsimula ng mga maliliit na negosyo para sa isang karagdagang stream ng kita. Binanggit niya ang “online selling” bilang isa sa mga halimbawa.

Aniya, sa isang negosyo, kailangang marunong ng marketing. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleJapan nagpasalamat sa Pinas sa suporta kasunod ng malakas na lindol
Next articleArson suspect tumalon sa dagat; nasagip ng PCG