Home NATIONWIDE Japan nagpasalamat sa Pinas sa suporta kasunod ng malakas na lindol

Japan nagpasalamat sa Pinas sa suporta kasunod ng malakas na lindol

MANILA, Philippines- Nagpasalamat si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakasuporta sa Japan matapos yanigin ng magnitude 7.6 na lindol nito lamang nakalipas na Bagong Taon.

Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Koshikawa na ang Pilipinas ay “friend indeed” matapos na mag-alok ng tulong sa Japan.

Tinatayang may 30 katao ang namatay sa malakas na paglindol na nag-trigger sa “major tsunami warnings” sa Ishikawa region, itinuturing na “worst-affected area” ng Japan.

Habang “deeply saddened” sa lawak ng pinsala na iniwan ng lindol, nangako si Pangulong Marcos na tutulungan ang Japan “any way that we can.”

Gayundin, nakikipagtulungan na ang kanyang administrasyon sa Japanese government upang masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino roon.

“Thank you so much for your messages, President @bongbongmarcos! (Japan and the Philippines) have consistently stood by each other in times of crisis. A friend in need is a friend indeed,” ang sinulat ni Koshikawa.

Araw ng Lunes, Enero 1ay nag-alay ng dasal ang ambassador para sa mga Filipino at iba pang apektado ng nakamamatay na lindol.

“I believe many Filipinos are concerned about the earthquake & tsunami that struck Japan today. My heartfelt prayers for the safety and well-being of all affected, including our fellow Filipinos in Japan. Let’s stand together in support during these challenging times,” ayon sa hiwalay ni X post ni Koshikawa.

“No Filipino has been reportedly killed or injured in the magnitude 7.6 earthquake that jolted western Japan,” wika naman ni Philippine Ambassador to Tokyo Mylene Garcia-Albano.

Sinabi nito na may ilang Filipino ang inilikas mula sa kanilang tahanan dahil sa tsunami threat. Ang tremor ay bahagyang naramdaman sa Tokyo.

Nakahanda ang Pilipinas na magbigay ng tulong sa Japan dahil  sa malakas na lindol na tumama sa East Asian country sa mismong araw ng Bagong Taon.

“We are deeply saddened to hear of the magnitude 7.6 earthquake in Japan on New Year’s Day,” sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang post sa social media platform X.

“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines,” dagdag ng Pangulo.

“The Philippines in close collaboration with the Japanese government to secure the welfare of Filipinos in Japan who thankfully remain unharmed,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay nasa 55 na ang naiulat na nasawi sa malakas  na lindol na tumama sa Noto Peninsula at nakapaligid na lugar dito sa central Japan nito lamang Bagong Taon.

Marami istraktura ang naiulat na napinsala habang pinapaspasan naman ng rescuers ang paghahanap sa survivors.

Sa ulat, niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang central Japan nitong Lunes at naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad para sa mga nakatira sa west coast.

Batay sa ulat, sinabing nawalan din ng kuryente sa libo-libong kabahayan, at naantala ang operasyon sa ilang paliparan at tren sa apektadong rehiyon.

Naunang naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 7.6 na nagdulot ng nasa isang metrong taas ng alon sa baybayin ng Sea of Japan, na posibleng masundan pa, ayon sa public broadcaster NHK.

Ibinabala ng Japan Meteorological Agency ang tsunami sa mga nakatira sa coastal prefectures ng Ishikawa, Niigata at Toyama.

Naglabas din ang Russia ng tsunami warnings sa kanilang sakop na Vladivostok at Nakhodka.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinsala ng lindol, habang pinayuhan ang mga residente na asahan ang aftershocks.

“Residents need to stay on alert for further possible quakes and I urge people in areas where tsunamis are expected to evacuate as soon as possible,” ani Prime Minister Fumio Kishida sa komento na inilabas sa NHK.

Sa video footage na inilabas ng NHK, makikita ang isang gusali na napinsala sa coastal city ng Suzu. Habang nagtago sa ilalim ng lamesa ang mga residente sa Kanazawa city. Ilang gusali rin sa Tokyo ang inuga ng lindol.

Mahigit 36,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente sa Ishikawa at Toyama prefectures, na sinusuplayan ng Hokuriku Electric Power.

Pansamantalang itinigil naman ang high speed rail services sa Ishikawa, habang nagkaaberya ang serbisyo ng telepono at internet sa Ishikawa at Niigat, ayon sa website ng telecom companies na Softbank at KDDI.

Inihayag naman ng Nuclear Regulation Authority ng Japan na walang ulat ng problema sa mga nuclear power plant sa Sea of Japan, kabilang ang limang active reactors sa Kansai Electric Power’s Ohi at Takahama plants sa Fukui Prefecture.

Ang Hokuriku’s Shika plant sa Ishikawa, ang pinakamalapit sa epicenter ng lindol. Itinagil umano mga reactor bago pa man mangyari ang lindol dahil may regular inspection na gagawin, at walang nakitang pinsalang idinulot ang lindol, ayon sa ahensya. Kris Jose

Previous articleDOH: Bilang ng COVID cases noong Disyembre dumoble
Next articleTrabaho sa iba’t ibang bansa magbubukas para sa mga Pinoy ngayong 2024