Home NATIONWIDE Asawa ng COA commissioner gigisahin ni Pangilinan sa maanomalyang infra projects

Asawa ng COA commissioner gigisahin ni Pangilinan sa maanomalyang infra projects

335
0

MANILA, Philippines – Nangako si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na gigisahin nito ang asawa ni Commission on Audit Commissioner Mario Lipana sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagiging contractor nito sa ilang kwestyonableng infrastructure projects.

Sa kalatas, sinabi ni Pangilinan na bahagi ito ng accountability measures, kabilang ang posibleng impeachment trial ni Lipana, kasunod ng naging pahayag ni dating senador Leila de Lima.

Iginiit ni Pangilinan ang kanyang suporta sa pagpapatawag sa lahat ng mga indibidwal na nabanggit, kabilang ang asawa ni Lipana na si Marilou.

“Again, sa atin we go by the evidence,” ayon pa sa senador.

Aniya, makikita sa ilang dokumento na ginagamit ni Marilou Lipana ang kanyang maiden name sa mga kontrata para sa flood control projects, na mas nagpapataas ng hinala sa pagtatago, panloloko at fraud.

“Nabanggit siya ni (former DPWH official Henry) Alcantara, nabanggit siya ni Bernardo so we go by the evidence therefore we invite her to come over. Nakuha rin natin yung kontrata, iba rin pangalan niya doon, she used her maiden name—why? Dyan pa lang makikita mo ano ba ‘to, are they concealing her identity? May mga concealment ng katotohanan para mailusot?” ani Pangilinan.

“So we’ll confront her sa next hearing,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Pangilinan na ang mga pahayag na nabanggit sa nagdaang pagdinig ay hindi dapat balewalain.

“We will go where the evidence leads us in terms of ano yung magiging conclusion,” aniya.

“Let’s withhold judgement hanggat pumapasok yung dagdag na ebidensya (at) dagdag na testimonya,” pagtatapos nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here