Home HOME BANNER STORY Asawa ni Harry Roque ipinaaaresto ng House quad panel

Asawa ni Harry Roque ipinaaaresto ng House quad panel

MANILA, Philippines – Kinastigo ng House quad committee nitong Biyernes, Oktubre 11, kasabay ng pag-uutos na ipaaresto si Mylah Roque, ang asawa ni dating Palace Spokesperson Harry Roque, sa kanyang paulit-ulit na bigong pagdalo sa mga pagdinig.

Matatandaang ipinatawag ng panel ang mag-asawang Roque sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Kamara sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), kung saan inakusahan ang dating gabinete na may kaugnayan dito.

Hinihiling kay Mylah Roque na magbigay ng kalinawan kung ano ang kanyang katayuan sa pagpirma ng lease agreement sa mga Chinese national na iniuugnay sa POGO complex sa Bamban, Tarlac.

Nauna nang iginiit na ang business records, tax returns, at iba pang dokumento na hinihiling ay walang kaugnay sa imbestigasyon sa POGO.

Ayon kay Harry Roque, ang House inquiry ay isang “political inquisition against the Duterte family and me as their outspoken ally.”

Sinabi rin nito na nagdesisyon siya na “not to appear before the QuadCom until issues that I have ventilated have been brought to the Highest Court for judicial determination.”

“I reiterate: What crime did I commit? File the appropriate charges in the proper court of law. Haharapin po ang mga reklamo sa korte. Nakakalungkot lamang na maraming tao ang nadadamay,” dagdag ni Roque.

“Anong kinalaman ng pribadong buhay ko sa usapin ng POGO? Hindi lamang nilalabag ng QuadCom hearing ang aking right to privacy, sinisira rin nito ang aking pamilya,” pagtatapos niya. RNT/JGC