Home HOME BANNER STORY ASEAN nagpasalamat sa aktibong presensya ng US sa rehiyon

ASEAN nagpasalamat sa aktibong presensya ng US sa rehiyon

MANILA, Philippines – IKINALUGOD ng regional bloc ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang aktibong presensiya ng Estados Unidos sa rehiyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN-US Summit, sa sidelines ng 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits.

“The regional security and prosperity of ASEAN is bolstered by the continued support of ASEAN’s partners. We, in ASEAN, therefore, appreciate the reliable and active presence of the United States in the region as a force for peace, stability, and security in the Indo-Pacific,” ayon sa Chief Executive.

“We equally value the consistent support of the United States for ASEAN Centrality in the evolving regional architecture,” aniya pa rin.

Sinabi ni Pangulong Marcos na tinanggap ng ASEAN member-states ang inisyatiba ng Washington pagdating sa pagbibigay ng platform at oportunidad sa pagpapalitan ng pananaw ukol sa magkakaibang saklaw ng usapin kabilang na ang mga umuusbong na teknolohiya, energy transition, climate change, at maritime security.

Nanawagan din ang Pangulo para sa pagpapatuloy na implementasyon ng Plan of Action para ipatupad ang ASEAN-United States Strategic Partnership (2021-2025) at Annex nito kung saan saklaw ang lahat ng ASEAN Community Pillars.

Sa kabilang dako, si US Secretary of State Antony Blinken ang tumayong kinatawan ni President Joe Biden sa ASEAN Summit and Related Summits ngayong taon.

Para kay Blinken, nananatiling nag-aalala ang Estados Unidos sa tumataas na mapanganib at labag sa batas na aksyon ng Tsina sa South at East China Seas, “which have injured people, harmed vessels from ASEAN nations and contradicted commitments to peaceful resolution of disputes.”

“The United States will continue to support freedom of navigation and freedom of overflight in the Indo-Pacific,” ayon kay Blinken.

Kamakalawa ay nanawagan si Pangulong Marcos para sa “more urgency in the pace of negotiations” ng ASEAN-China Code of Conduct.

Sinabi ni Blinken na ang “core elements” ng COC, kabilang na ang geographic scope at legal nature, ay “remain outstanding.”

Bilang tugon sa naging pahayag ni Pangulong Marcos sa harap ng ASEAN, sinabi ng Beijing na ipagpapatuloy nito ang ‘advance consultations’ para sa COC.

Sa press conference sa Beijing, tinanong si Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ukol sa NHK report hinggil sa ginawang paghikayat ni Pangulong Marcos sa mga lider ng ASEAN na ” not to turn a blind eye to developments in the South China Sea.”

“China will continue to work with ASEAN countries to fully and effectively implement the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, actively advance the consultations of the code of conduct in the South China Sea, and jointly make the South China Sea a sea of peace, friendship and cooperation,” ayon kay Mao.

Iniulat naman ng Agence France Presse ang ginawang paghamon ni Pangulong Marcos kay Chinese Premier Li Qiang hinggil sa kamakailan lamang na pag-aaway sa South China Sea sa regional summit talks, umiigting na kasi ang pangamba na sumabog ang labanan sa pinagtatalunang katubigan. Kris Jose