Home METRO Army reservist itinumba sa Antipolo

Army reservist itinumba sa Antipolo

231
0

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang isang army reservist sa Antipolo City.

Ayon sa ulat, galing sa simbahan ang 49-anyos na army reservist nang sundan ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay na motorsiklo sa Barangay San Jose, Antipolo City nitong Miyerkules, Oktubre 9.

“Possible po na pinagplanuhan, kasi inabangan po talaga siya paglabas ng kanilang simbahan. Nakabukas po iyong bintana kasi nag-yoyosi ‘raw di umano iyong biktima noong pagbabarilin siya,” pahayag ni Police Captain Carlo Tamondong ng Antipolo Component City Police Station, sa panayam ng GMA News.

“Sinundan siya ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at saka po pinagbabaril siya,” dagdag ni Tamondong.

Walang ideya ang kaanak ng biktima maging ang pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

Nagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton ang mga salarin na mahaharap sa reklamong murder. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here