Home NATIONWIDE Asawa ni Sec. Teodoro muling itinalaga ni PBBM bilang UNICEF special envoy

Asawa ni Sec. Teodoro muling itinalaga ni PBBM bilang UNICEF special envoy

MANILA, Philippines – MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Monica Louise “Nikki” Prieto-Teodoro, asawa ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., bilang special envoy ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Ang appointment ni Nikki Teodoro bilang Special Envoy ng Pangulo sa UNICEF ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa ocial media post, Martes ng gabi.

Si Nikki Teodoro, dating Tarlac congresswoman ay unang itinalaga sa naturang posisyon noong Agosto ng nakaraang taon.

Muli naman niyang hinawakan ang nasabing posisyon sa ilalim ng administrasyong Duterte mula 2017 hanggang 2018.

Sa kabilang dako, bukod kay Nikki Teodoro, itinalaga rin ni Pangulong Marcos sina Giovanni Palec bilang Non-Resident Ambassador to North Macedonia, karagdagang posisyon ito sa kanyang pagiging Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Hellenic Republic, na may umiiral na hurisdiksyon sa Republic of Cyprus.

Itinalaga rin ng Pangulo si Noel Eugene Eusebio Servigon bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Romania; Honee Fritz Abangan Diel at Galo Macasinag bilang Fire Chief Superintendent.

Kasama rin sa listahan ng mga bagong Presidential appointees ay ang mga miyembro ng Subic Bay Metropolitan Authority Board of Directors kung saan si Raul Marcelo ang magiging kinatawan ng Business and Investment Sector; at Kenneth Lemuel Rementilla, Honorio Allado III, at Maria Cecilia Bitare ang mga kinatawan ng Private Sector. Kris Jose