Home NATIONWIDE Kaso ng dengue sa QC, Western Visayas tumaas – DOH

Kaso ng dengue sa QC, Western Visayas tumaas – DOH

MANILA, Philippines – Naoobserbahan ng Department of Health (DOH) ang patuloy pag-plateau sa epidemic curve ng kaso ng dengue sa bansa ngunit binalaan at pinayuhan ang publiko na huwag maging kampante.

Ang pagtatapos ng El Niño kasama ng onset ng rainy season ay nagdadala ng maraming tubig na nagsisilbi bilang mosquito breeding grounds.

Payo ng DOH, puksain ang mga lamok para mapigil ang dengue.

Habang may bahagyang pagtaas (3%) sa mga kaso mula 5,212 noong Abril 14 hanggang Abril 27 hanggang 5,359 noong Abril 28 hanggang Mayo 11, mas mababa ang naitala na 3,992 mula Mayo 12 hanggang Mayo 25.

“The DOH is cautious with this interpretation as case counts may change with late reports coming in, and we are already in the rainy season. From the start of the year up to May 25, 67,874 Dengue cases have already been recorded, with 189 deaths,” ayon sa inilabas na press release ng DOH.

“The solution is simple to say but needs community effort to do: kill mosquitoes so that the dengue they bring will not kill you. The rains may have started but we can still search and destroy mosquito breeding sites – wherever water can accumulate and stay still,” sabi ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

Pinapayuhan din ng DOH ang paggamit ng self-protection measures tulad ng long sleeves at pantalon na tumatakip sa balat, o mga mosquito repellent lotion at spray.

Humingi ng maagang konsultasyon para sa anumang mga sintomas tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pagduduwal, at mga pantal. Sabihin oo sa fogging kung saan kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden