Home NATIONWIDE Hinihinalang natodas sa kidlat Lalaki, natagpuang patay sa loob ng kanyang kubo

Hinihinalang natodas sa kidlat Lalaki, natagpuang patay sa loob ng kanyang kubo

ILOCOS SUR-Natagpuang patay sa loob ng kanyang kubo ang isang 65-anyos na lalaki sa Sitio Kimpakpakan, Brgy. Sto. Rosario, Sigay ng lalawigang ito nitong Lunes, Hunyo 10.

Kinilala ng Sigay Municipal Police Station ang biktima na si Rogelio Ambog Sucop, walang asawa, magsasaka, residente ng naturang lugar.

Bandang 6:30 ng umaga nang madiskubre ang naturang bangkay.

Agad na rumesponde sa erya ang mga personnel ng Sigay MPS, RHU at MDRRMO.

Sa isinagawang pagsisiyasat sa bangkay ng biktima, may mga nakitang 1.5 cm na sugat sa right side ng leeg nito at burned/lacerated wounds sa left and right toes nito.

Hinihinalang tinamaan ng kidlat ang biktima na ikinatodas nito. Rolando S. Gamoso