Home HOME BANNER STORY DSWD, itinigil AICS guarantee letters simula Nob. 30

DSWD, itinigil AICS guarantee letters simula Nob. 30

1
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang ihihinto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng guarantee letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program simula Nobyembre 30 upang makumpleto ang annual liquidation at mabayaran ang mga pagkakautang sa mga service provider.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, kailangan ng ahensya ng panahon upang maisaayos ang mga obligasyong pinansyal nito at matiyak na magpapatuloy ang serbisyo sa susunod na taon.

Nilinaw ni Dumlao na GL issuance lamang ang pansamantalang ititigil at hindi ang buong AICS program.

Patuloy na tatanggap ang mga DSWD Field Office at satellite office ng mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng outright cash assistance.

Ang guarantee letter ay dokumentong ibinibigay ng DSWD sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang matiyak ang pagbabayad sa mga accredited service provider, gaya ng mga ospital at iba pang institusyong nagbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Inaasahang magpapatuloy ang pag-iisyu ng guarantee letters sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.

Gayunman, sasailalim pa rin sa pagsusuri ng mga social worker ang mga aplikasyong humihingi ng tulong, batay sa aktuwal na pangangailangan at mga dokumentong isusumite ng aplikante. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here