Home HOME BANNER STORY ASEAN holiday pay rules, ipinaalala ng DOLE

ASEAN holiday pay rules, ipinaalala ng DOLE

7
0

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng karagdagang 30% hanggang 50% sa kanilang basic daily wage ang mga empleyadong magtatrabaho sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, na idineklarang special non-working days para sa 49th ASEAN Summit.

Batay sa Labor Advisory No. 16, Series of 2026 ng Department of Labor and Employment (DOLE), paiiralin ang prinsipyong “no work, no pay” sa mga hindi papasok, maliban kung may umiiral na polisiya, nakasanayang praktis ng kumpanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad.

Para sa mga papasok sa trabaho, katumbas ng 130% ng basic daily wage ang kanilang sahod sa unang walong oras.

Kung ang special non-working day ay tumapat sa nakatakdang rest day ng empleyado, magiging 150% naman ng basic daily wage ang kanyang sahod.

May karagdagang bayad din sa overtime na lalampas sa walong oras.

Para sa ordinaryong special non-working day, ang overtime pay kada oras ay katumbas ng basic hourly rate na minultiply sa 130% at muli sa 130%.

Samantala, kung tumapat ang holiday sa rest day, ang overtime pay kada oras ay katumbas ng basic hourly rate na minultiply sa 150% at 130%.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 16 hanggang 18 bilang special non-working days sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Proclamation No. 1447.

Layunin nitong mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at mapanatili ang seguridad sa panahon ng ASEAN Summit.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here