MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang paglagda sa ASEAN Extradition Treaty (AET) ay palatandaan ng “defining moment” para sa legal cooperation ng Southeast Asia, habang pinagunahan ang pagbubukas sa 13th ASEAN Law Ministers Meeting (ALAWMM) sa Taguig City.
Sa pagsasalita sa regional law chiefs, araw ng Biyernes, Nov. 14, sinabi ng Pangulo na ang tratado ay sumasalamin sa nagkakaisang paglutas ng Association of Southeast Asian Nations para matiyak ang “individuals with criminal charges will not escape justice by crossing borders in ASEAN.”
Sinabi nito na ang kasunduan ay nakatugma sa long-standing principles sa international extradition arrangements, mula sa pagsuko ng mga pugante at provisional arrests sa documentation standards, dispute-resolution mechanisms, at implementasyon ng mga proseso.
“With this landmark treaty, we send a clear message to the world that we are united and that our legal foundation is stronger than ever,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Idinagdag pa nito na ang AET ay itinatag sa ‘decades of cooperation’ mula na ang law ministers’ meeting ay unang na-convened sa Bali noong 1986, nang ang ASEAN ay “a region still discovering our potential.”
Nilagdaan naman ng ASEAN ministers ang AET kasunod ng opening ceremony. Ang tratado ay inilarawan bilang isang “pivotal step” tungo sa pinahusay na regional cooperation sa paglaban sa krimen at tiyakin ang accountability sa iba’t ibang borders.
Ang ASEAN Extradition Treaty ay landmark agreement na lumikha ng uniform legal framework para sa extradition sa hanay ng 11 Member States.
Ang extradition treaty ay “binding legal agreement that permits the surrender of a fugitive found in one country to another requesting country where he or she is being prosecuted or needs to serve a sentence.”
Ayon sa Malakanyang, ang tratado ay tanda ng “crucial step” tungo sa mas malakas na regional cooperation sa paglaban sa krimen at tiyakin ang pananagutan sa kabila ng mga borders.
“It reaffirms the region’s shared commitment to enhancing legal cooperation, maintaining criminal accountability, and protecting peace and security throughout the region,” ayon sa Malakanyang.
Habang pinalalakas ng tratado ang ‘guard against traditional cross-border crimes’ ng ASEAN, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang member-states na komprontahin o harapin ang “emerging transnational challenges” gaya ng cybercrime at ethical at legal implications ng artificial intelligence.
“We must ensure that our laws can govern the digital space fairly and securely,” aniya pa rin sabay diing pahayag ang pangangailangan para sa proactive measures para mapanatili ang “sustainable, secure, and rooted in human dignity’ ng paglago ng ASEAN.
Nagbabala naman ang Pangulo na ang korapsyon, inefficiency, at impunity ay magpapatuloy na sisira sa institusyon sa rehiyon, nagpapatibay ng pangangailangan para sa batas na “work for the benefit of our peoples.” (KRIS JOSE)