Home NATIONWIDE ASF vaccination sa Batangas umarangkada!

ASF vaccination sa Batangas umarangkada!

MANILA, Philippines- Sinimulan ng pamahalaan nitong Biyernes ang controlled trial ng Vietnam-made African swine fever (ASF) vaccine bilang bahagi ng pagsisikap na labanan ang pagkalat ng sakit sa hayop.

Sinabi ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) na sinimulan ng mga tauhan at opisyal ang pagtuturok ng mga baboy sa Lobo, Batangas — munisipalidad na may isa sa pinakamaraming kaso ng ASF.

Ayon sa ahensya, saklaw ng ASF vaccination rollout ang pagbabakuna sa malulusog na mga baboy upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, na nakaaapekto sa local hog sector mula nang matukoy ito noong 2019.

Sinabi ng DA-BAI na malulusog na baboy lamang ang babakunahan.

Naglaan ang DA ng P350 milyon para sa pagbili ng halos 600,000 doses ng ASF vaccine para sa trial.

Boluntaryo ang pagpapabakuna, kung saan prayoridad ang small hog raisers sa mga lugar na may mataas na kaso ng ASF.

“ASF has severely affected both large integrators and backyard farms. While larger farms can invest in biosecurity measures, 60% of our hog population in backyard farms struggle with insufficient funding for effective protection,” ayon kay DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica.

“We must embrace innovative solutions like this vaccine to improve outcomes for our hog industry,” dagdag ni Palabrica.

“This effort highlights DA’s commitment to safeguard the swine industry and enhance national food security amid the ASF crisis. We’re dedicated to support hog farmers and ensure the sustainability of our agriculture sector,” wika naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. RNT/SA