MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes na 850 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya mula Hulyo 19 hanggang Agosto 30.
Base sa bureau, dinala nito ang kabuuang bilang ng napalayang PDLs sa ilalim ng Marcos administration sa 15,943.
Sa 850, 146 ang napawalang-sala, 487 para sa expiration ng maximum sentence with good conduct time allowance, 171 ang ginawaran ng parole, 28 para sa expiration ng maximum sentence, at 18 ang ginawaran ng probation.
Sinabi ng BuCor na 429 ang mula sa New Bilibid Prison, 51 mula sa Correctional Institution for Women, 135 mula sa Davao Prison and Penal Farm, 45 mula sa Leyte Regional Prison, 76 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm, at 65 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.
Samantala, sinabi ni Catapang na magpapatupad ang BuCor ng regular rotation ng mga tauhan na nakatalaga para magbantay sa PDLs upang maiwasan ang pagiging pamilyar.
“Effective immediately, all personnel who have direct contact with PDL such as keepers, patrol, post tower guards, gate officers, escorts and others shall be rotated every 15 days,” giit ni Catapang. RNT/SA