MANILA, Philippines – Nakapagtala ng ash emission sa Bulkang Kanlaon madaling araw ng Lunes, Setyembre 7.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang ash emission ay naitala 1:09 ng madaling araw, “generated a plume that rose 500 meters above the summit crater that drifted east.”
Nakita ang pangyayaring ito ng Lower Mananawin Observation Station (VKLM) Thermal Camera.
Nananatili naman sa Alert Level 2 ang babala sa bulkan. RNT/JGC