Home ENTERTAINMENT Aso ni Heart, tinawag na ‘Queen P’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Aso ni Heart, tinawag na ‘Queen P’!January 17, 2025 12:40 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Of all the puwedeng gamiting caption ay bakit ito pa ang naisip ni Heart Evangelista?Hindi kasi nakalampas sa atensyon ng mga intrigerang netizens ang caption na nilakip ni Heart patungkol sa kanyang favorite pet dog, si Panda.Hindi lingid sa kaalaman ng lahat how much Heart loves all her pets.Sa sobra nga niyang pagmamahal sa mga ito–as in the case of Panda ay Ongpauco-Escudero na rin ang dinadala nilang pangalan.Huwag ding pakaisnabin ang mga gamit ng mga ito–signature kung signature din!Okey na sana ang higit pa sa fair treatment ni Heart kay Panda but to address her as “Queen P” seems a bit too off.Huwag idenay ni Heart na nakasanayan nang itawag kay Pia Wurtzbach ay Queen P.Wala sanang malisya ‘yon kung wala silang isyu noon.Remember na ang dating glam team ni Heart ay lumipat sa Miss Universe 2015.Not only that, alam naman nating pinagsasabong sina Heart at Pia being regular attendees to the fashion weeks abroad partikular na sa Paris at Milan.And to this day, there seems no closure sa isyu sa kanilang pagitan.Take note of Heart’s post: “Finally, Queen P made time for me!”Sa halip na i-call ng mga netizens ang atensyon ng global fashion icon ay wala silang nakikitang masama sa pagtawag nito ng Queen P kay Panda.Ganoon lang daw si Heart kay Panda that’s “living her best life and is showered with love and all the necessary bling to shine!”Sey pa ng isa: “Panda is the only Queen P that I love!”O, hindi ba’t parang nampo-provoke pa si Heart to the point of initiating war against Pia?Wala na bang maisip na ibang form of address si Heart sa kanyang pet dog? Ronnie Carrasco III