Home ENTERTAINMENT Kuya Wil, nagpalipad ng helicopter nang walang umaalalay!

Kuya Wil, nagpalipad ng helicopter nang walang umaalalay!

Manila, Philippines – Kasado at wala nang urungan ang pagtakbo bilang senador ni Willie Revillame sa May 12 elections.

Dahil kakandidato siya, Kuya Wil only has until February 10 para pahintulutang lumabas bilang host ng kanyang daily program sa TV5 na Wil to Win.

Nakasaad kasi ito bilang alituntunin sa election code.

Pero bago rito, kasado na rin ang pagdadala ni Kuya Wil ng kanyang programa sa iba’t ibang festival na ipinagdiriwang taun-taon.

Mauuna siyang magbigay ng kasiyahan sa Sinulog Festival sa Cebu.

Susundan ito ng Ati-Atihan Festival sa Aklan.

Ang pinakahuli’y sa Dinagyang Festival sa lloilo.

Inaasahang lalong lalakas si Willie sa mga bahaging ito ng bansa to be able to win votes.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay nilipad ni Willie ang isa sa kanyang dalawang

pagmamay-aring helicopter nang walang co-pilot.

Six years nang simulan ng TV host na mag-aral at magpalipad ng chopper nang may umaalalay sa kanya.

Kamakallan, tinangkang lumipad si Willie gamit ang kanyang chopper en route to his private resort in Puerto Galera.

Mula Maynila hanggang doon ay 35 minutes din siyang nasa himpapawid.

Tiyak na masusundan pa ang kanyang paglipad come campaign period.

Magandang magsaboy si Willie ng campaign materials mula sa itaas, o kung puwede pa ngang idamay na rin niya ang ibang bahagi ng Pilipinas for his national bid!

Why not, ‘di ba? Ronnie Carrasco III