Home ENTERTAINMENT Ice, bet tulungan si Jake Zyrus!

Ice, bet tulungan si Jake Zyrus!

Manila, Philippines – Willing suportahan si Ice Seguerra ang kapwa nya transman na si Jake Zyrus na kasalukuyang nasa Amerika.

May alingasngas kasi na naging miserable raw ang buhay ni Jake sa US. May balitang naging alcoholic at jobless diumano ang dating international singing sensation.

Dasal ni Ice na maging okay na si Jake sa US. Knows kasi ni Ice how be in a very bad place dahil napagdaanan niya ito.

“Siguro ang sinuwerte ko lang may mga tao na nasa paligid ko na talagang may malasakit at may pagmamahal.

“So, ako that’s my wish for him na he will find his wife na who will support him, love him and will show him love and acceptance. Yun.

“Kasi, I think that’s very important for a person yung no matter who you are, no matter what you do, alam ko na okay lang mag-fall ka because alam mong may sasalo sa yo. And I got so lucky. So, I hope he has that,” pahayag ni Ice.

Eksluaibo naming nakausap si Ice sa mediacon ng “Love, Sessionista” concert sa The Theater at Solaire on February 8, Saturday.

Of course, ang wife na binabanggit ni Ice ay walang iba kundi si former FDCP Chair Liza Din̈o.

Si Ice ang direktor ng pre-Valentine concert niya with his fellow Sessionista na sina Jury, Sitti, Princess, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante.

Sa rami nila at kapwa malalaking artists din gaya ni Ice, tiniyak ng dating child star na may equal exposure ang bawat isa sa kanila sa “Love, Sessionista” produced by Fire and Ice.

At dahil kapwa niya magagaling din na artists ang ididirek niya, may kanya-kanyang inputs din daw sila sa show na welcome naman kay Ice. Julie Bonifacio