Target ni one-time world title challenger Vincent Astrolabio na makakuha ng panibagong karangalan sa pagharap niya kay WBC world bantamweight champion Junto Nakatani sa Hulyo 20 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.
Si Astrolabio, 19-4 na may 14 na knockouts bilang isang propesyonal na boksingero, ay ang no.1 rated bantamweight sa mundo ng WBC at ang mandatoryong challenger sa world title ni Nakatani.
Ang kanyang nalalapit na laban ay ang kanyang unang outing ngayong taon.
“We are always ready and we are training. We will not going to waste this opportunity. We hope to win this fight for Filipinos,” ayon sa head coach ni Astrolabio na si Nonoy Neri.
Samantala, si Nakatani ay perpekto sa kanyang kampanya bilang boksingero, hawak ang walang kamali-mali na rekord na 27-0 na may 20 knockouts.
Isang three-division world champion, si Nakatani ang nanalo ng WBC world bantamweight title na may pagtigil kay Alexandro Santiago noong Pebrero.