Home TOP STORIES Atake vs Rep. Tiangco sa socmed, tumindi pa

Atake vs Rep. Tiangco sa socmed, tumindi pa

252
0

Manila, Philippines  — Patuloy ang diskusyon sa social media tungkol sa flood control programs at iba pang proyekto sa Navotas at Leyte, matapos humarap si Rep. Toby Tiangco sa mga komentaryo ng ilang tagasuporta nina Sen. Risa Hontiveros at Rep. Martin Romualdez.

Sa isang post sa Facebook, hinamon ni Jam Magno, tagasuporta ni Romualdez at endorser ng Tingog Partylist, si Tiangco na ipakita ang ebidensya ng kanyang mga pahayag at ipagtanggol ang rekord ng mga proyekto sa Navotas, kasabay ng paghahambing sa Leyte.

Tinukoy niya ang mga flood control projects sa Leyte at inihambing ito sa kondisyon ng mga drainage at flood control initiatives sa Navotas.

Sinita rin ng abogado at political commentator na si Jesus Falcis, tagasuporta ni Hontiveros, ang pagsusuri sa mga flood control allocations ng lungsod.

Ayon sa kanya, tumatanggap ang Navotas ng pondo para sa flood control sa loob ng mahigit 15 taon, at mayroong proposed na P4.2 bilyong budget para sa 2026 para sa mga daluyan at coastal dike. Pinaliwanag ni Falcis na ang coastal dike ay epektibo lamang kapag natapos na, kaya may panukalang taunang budget para rito.

“15 years na palang may flood control budget si Toby Tiangco sa Navotas Tapos sa 2026 may proposed 4.2 Billion budget ulet for flood control. May 15 kilometers daw kasi of streams and rivers,” diin ni Falcis. “Yung coastal dike along the 15 kilometers, hindi daw mapapakinabangan hanggang hindi tapos na tapos. So kelangan ng budget every year. Eh di wow… wow mali!” dagdag pa niya.

Samantala, ilang Facebook pages at grupo, kabilang ang JIL Review TV at Filipinos for Good Governance, ang naglabas ng komentaryo hinggil sa moral standing ni Tiangco sa pakikilahok sa mga isyu ng korapsyon, at isinasaad ang kanilang pananaw na dapat masuri ang kanyang record.

“Kung tunay kang galit sa corruption, bakit tahimik ka sa Confidential Funds ni Sara? Kung prinsipyo ang usapan, bakit kay Martin lang may tapang?” ayon sa Facebook page na JIL Review TV sa isang post. Inakusahan din ng mga grupo si Tiangco na sinabotahe ang tsansa ng mga senatorial candidate ng administrasyon sa halalan sa 2025.

Wala pang pahayag mula kay Tiangco kaugnay ng mga komento sa social media sa oras ng pag-uulat na ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here