Home ENTERTAINMENT Ate Gay, nagdaos ng ‘living funeral’!

Ate Gay, nagdaos ng ‘living funeral’!

1
0

Manila, Philippines – Lamay para sa taong buhay pa?

Yes, you read it right–such is the “living funeral” na idinaos ni Ate Gay.

Dinaluhan ng kanyang pamilya’t mga kaibigan, itinakda nga ito ng standup comedian na si Gil Aducal Morales o Ate Gay sa totoong buhay.

Isinagawa niya ito imbes na hintayin ang kanyang pagpanaw to express his love, appreciation and gratitude sa kanyang mga mahal sa buhay.

Pagkakataon din ‘yon ng mga dumalo na sabihin ang gustong marinig ni Ate Gay habang nabubuhay pa.

Idinaos ang living funeral sa Forest Lake Memorial Parks sa Biñan, Laguna.

llan sa mga nagpaabot ng “eulogy” ay mga kapwa niyang standup comedienne na si Boobsie Wonderland at content creator na si Arman Salon.

Napapalibutan ng mg bulaklak ang lamay, pati na mga portraits ni Ate Gay.

The event took place amidst the health struggles which Ate Gay is going through.

Matatandaang September 25 nang ma-diagnose siyang may Stage 4 mucoepidermoid carcinoma.

Isa si Allan K sa mga tumugon sa panawagan ni Ate Gay na tulungan siya–hanggan sumailalim na siya sa chemotherapy at radiation therapy.

July ng kasalukuyang taon noong magkaroon ng positibong pagbabago ang ilang procedure o gamutang pinagdaanan ni Ate Gay. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here