MANILA, Philippines – Binawasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang budget nito para sa 2027 mula ₱5.780 bilyon patungong ₱3.125 bilyon, katumbas ng ₱2.655 bilyong bawas sa pondong hinihingi para sa operasyon ng ahensya.
Ayon kay Budget Secretary Kim Robert C. De Leon, hindi maaapektuhan ang mahahalagang serbisyo ng DBM sa kabila ng pagbabawas sa budget.
Mas mababa rin ng 12.45 porsiyento ang bagong panukala kumpara sa ₱3.57 bilyong budget ng ahensya ngayong 2026.
Ipinaliwanag ni De Leon na kabilang sa mga hakbang ang pagtitipid sa gastusin at paggamit ng mga umiiral na resources para sa digital initiatives ng ahensya.
Inilahad ang panukalang budget sa pagdinig ng Senate Finance Committee nitong Huwebes, Oktubre 22. Jocelyn Tabangcura-Domenden