Home ENTERTAINMENT Ate Gay, sinorpresa ng isang doktor!

Ate Gay, sinorpresa ng isang doktor!

274
0

Manila, Philippines – Laking gulat at pasasalamat ni Ate Gay sa surprise visit ng isang doktor sa kanya.

Sa kanyang Facebook account, ikinagalak ng standup comedian ang pagdalaw sa kanya ng pinangalanan lang niyang “Dr. Ramos.”

Ayon kay Ate Gay, ”’Dinalaw ako ni Dr. Ramos. ‘Di daw siya makatulog kung paano niya ako matutulungan. Napasaya ko raw kasi siya.”

Sumikat si Ate Gay–Gil Morales sa totoong buhay–sa panggagaya kay Nora Aunor sa kanyang mga kilos at pananalita.

Kilala rin ang komedyante sa pag-awit ng tinatawag na mash-up.

Kamakailan ay na-feature siya sa Kapusso Mo, Jessica Soho dahil sa kanyang Stage 4 cancer.

Nang ma-diagnose ay araw-araw daw siyang umiiyak lalo na nang tapatin ng doktor na incurable o wala na itong lunas.

Si Allan K ang unang nakaalam nito na nagkaideyang magkaroon ng benefit show para kay Ate Gay na inayawan ng huli.

Kamakallan ay natuloy din ito sa Klownz kung saan sumuporta rin ang mga kapwa standup comedians na kinabilangan din nina Jose Manalo at Boobay.

Samantala, thankful si Ate Gay kay Dr. Ramos na naglaan ng oras para matunton siya’t makatsikahan ng llang oras. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here