Home ENTERTAINMENT Ate Guy, binawasan ang mga linya sa pelikula!

Ate Guy, binawasan ang mga linya sa pelikula!

Manila, Philippines – Umaasa ang produksyon ng Pieta na makakasali sila sa second half ng mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Sa ngayon, nasa filming stage pa ang obra na dinidirek ni Adolf Alix Jr.

In the cast are acting heavyweights tulad nina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose.

Kapag nagkataon kasi, magandang makitang may respective entries din si Vilma Santos with quintessential screen partner Christopher de Leon at si Sharon Cuneta.

As it is now, ‘yung kay Sharon with Alden Richards ang nakalusot sa first four official entries.

Hindi pa tiyak ‘yung kay Vilma na kinunan sa Tokyo, Japan.

‘Yun nga lang, balitang may limitations sa performance ni Nora.

Dahil madali na raw hingalin ang Superstar ay hindi na siya makakapagbitaw ng mga linya.

“Pero nagawan naman ‘yon ng paraan. Puro emote na lang siya sa movie!” ayon sa source mula sa produksyon.

Kunsabagay, with or without lines ay pambato ni Nora ang kanyang mga nangungusap na mata.

Nakakabilib pa nga si Nora dahil sa kabila ng kanyang health issue ay nakukuha pang magtrabaho.

Nauunawaan naman daw ng produksyon kung hingalin si Nora dahil sa edad na rin nito. Ronnie Carrasco III