Home METRO Serbisyong pangkalusugan, mga proyekto inulat ni Gov. Tan sa kanyang lalawigan

Serbisyong pangkalusugan, mga proyekto inulat ni Gov. Tan sa kanyang lalawigan

NAKATUON sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan at sa ibat iba pang programa at proyekto sa ilalim ng HEALING Agenda ang naging sentro ni Gobernadora Angelina “Helen” Tan sa kanyang “Ulat sa Lalawigan” na ginanap kahapon.
Sa dalawang oras nitong talumpati, binigyang-diin ng kauna -unahang gobernadora ng lalawigan ng Quezon ang lahat ng kanyang nagawa at mga dapat pa nyang gawin para sa paglaban sa kahirapan.

At sa ilaim ng kanyang pamamahala, nagawa ng pamahalaang Panlalawigan ang makabukluhang pagsulong sa mga serbisyo partikular sa usapin na may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan at kapaligiran, turismo at mabuling pamamahala.

Inihayag ng gobernadora nang i-outline niya sa kanyang isang taong panunungkulan bilang gobernadora sa pagsisimula ng pagsasaayos at paglalagay ng mga karagdagang pasilidad para sa Quezon Medical Center (QMC).

Aniya,“Bukod sa pagsasaayos ng pasilidad, pangarap din nating maitaas ang antas ng serbisyo ng QMC bilang isang level 3- Teaching and Training Hospital mula sa pagiging level 2.

Nabigyan na tayo ng DOH na level 3 to construct.”

Sinabi pa nito na ang dating 200 bed capacity lamang mayroon ang nasabing pagamutan, nakapagbawas din sa 400 na dating 600 average occupancy para sa ospital.

Binigyan diin din ang pagpapatupad ng Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta Package ng Philhealth sa lalawigan bilang isa sa limang LGU kung saan maaaring ma-access ng mamamayan ang mga preventive care services ksama na rito ang pagbibigay ng mga libreng gamut at laboratory tests para sa out-patient na consultations.

At bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtataguyod sa iniakda nitong Universal Health Care (UHC) Act, nilagdaan niya ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang lahat ng lokal na punong ehekutibo ng lungsod at munisipyo. kasama ang Department of Health (DOH) para sa implementasyon ng Province-Wide Health System Integration na itinuturing na una sa bansa.

“Sa isang provincial government na baon sa utang at napakaliit ng financial resources, hindi gaanong magagawa. But I am happy to report that we have done so much”, dagdag pa ni Gov. Tan.
Kasama rin sa ulat ng gobernadora ang “One Family, One College Graduate Scholarship Program” at “Priority Courses Scholarship and Return Service Program; pagbuo ng 31 kooperatiba para sa mga magniniyog alinsunod sa Coconut Farmers Industry Development Program; at iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura.

“All these in pursuit of the goal of increasing access to quality education and improving the performance of our schools and students in all learning areas,” ayon pa kay Gov. Tan.

Ukol naman sa Agrikultura, aniya gagamitan na ng makabagong teknolohiya ang mga programa at sa pamamagitan ng nasimulan nang Digital Agriculture, madali aniyang makalalapit ang mga magsasaka sa Provincial Agriculturist upang mabilis na masolusytunan ang mga problema ng magsasaka at mga mangingisda.

Binigyang-diin din niya ang pagsunod sa pinakamahuhusay na kasanayan sa pangangasiwa, mahusay na financial housekeeping, at maingat na paggamit ng mga pondo sa ilalim ng kanyang pamumuno na nagbigay-daan para sa Pamahalaang Panlalawigan na makuha ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) o ang “unmodified opinion” sa unang pagkakataon, isang hinahangad na marka mula sa pinakamataas na sangay ng pag-audit ng bansa dahil ito ay nagpapahiwatig ng isang kultura ng malinis na pamamahala sa pananalapi.

At sa pamamagitan nito , makatitipid aniya ang pamahalaan at maiiwasan ang katiwalian.

Binago ni Gov. Tan ang kanyang pangako na ihatid ang kanyang HEALING agenda, na ipinangako niyang ituloy sa natitirang dalawang taon ng kanyang termino.

Ibinida rin ni Tan ang mga naihatid na tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Karding sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial assistance.

Sa pagtatapos ng kanyang ulat para sa unang taon ng kanyang panunungkulan, sinabi nito na “Mga ka-probinsya, malayo pa tayo.Walang kagyat na tugon sa matagal nang kahirapang nararanasan ng mga Pilipino at ng ating mga kalalawigan.” Hindi madali. pero mariin tayong nakatuon sa problema ng kagutuman at kahirapan.Kaisa tayo sa ambisyon para sa isang matatag at komportableng buhay ng mga Quezonian para sa hinaharap.”
Ang kanyang talumpati ay mainit na tinanggap ng mga panauhin mula sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, Sangguniang Panlalawigan, local government units, non-government organizations, people’s organization at pribadong sector. RNT